Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa ipinagbabawal munang mga pagtitipon alinsunod sa protocols laban sa banta ng COVID-19.
Ayon sa DOH, malinaw ang panuntunan sa ilalim ng kasalukuyang guidelines na bawal muna ang kahit anong uri ng mass gatherings.
“Under our current guidelines, mass gatherings of any sort are discouraged, as this may be a vector for transmission of COVID-19.”
Kahit isailalim sa pagiging modified ang enhanced community quarantine ang ilang lugar pagkatapos ng May 15, hindi pa rin daw ito batayan para bumalik na ang publiko sa nakasanayang normal na mga gawain.
“As explained by Presidential Spokesperson Harry Roque in IATF briefing, within the modified ECQ mass gatherings are highly restricted to 5 people, while in GCQs these are
restricted to a maximum of 10.”
Kung maalala, umani ng batikos ang mga larawan ng pagdiriwang ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief police M/Gen. Debold Sinas ng kanyang kaarawan noong May 8.
Nilabag daw kasi ng pagtitipon ang panuntunan sa physical distancing at mass gatherings.
Una nang humingi ng pasensya Sinas, kasabay ng pagdepensa na edited ang mga larawan.
Pero inamin ng pamunuan ng Philippine National Police nitong Huwebes, na may inihahanda ng kaso laban sa NCRPO chief at ilang senior officials.