Tiniyak ng Department of Health (DOH) na availability ng bakuna kontra polio sa mga local health centers sa bansa.

Ito ay kahit pa winakasan na ng kagawaran ang unang round ng kanilang polio vaccinations sa Lanao del Sur, Marawi City, Davao del Sur, Davao City at Metro Manila.

Magugunita na Agosto nang simulan ng DOH ang unang round ng immunization para sa Metro Manila.

Samantala, nakatakda namang palawakin ang sakop ng kampanyang ito ng DOH hanggang sa kabuuan ng Mindanao na magsisimula sa Nobyembre 25.

Ang huling round naman ay idaraos simula Enero 6, 2020.

Subalit sa Nobyembre 25, 2019 naman ang simula ng second round ng vaccination para sa National Capital Region.