Apat na laboratoryo ang nadagdag sa listahan ng mga accredited facility para sa COVID-19 testing, ayon sa Department of Health (DOH).
Kabilang sa mga bagong na-sertipikahan ay ang RT-PCR laboratories ng De Los Santos Medical Center, Daniel O. Mercado Medical Center, at San Pablo College Medical Center.
Ang isang laboratoryo naman na mula Amang Rodriguez Memorial Center ay gumagamit ng GeneXpert machines.
Dahil dito 93 na ang total ng certified laboratory sa bansa para sa COVID-19 test. Ang 70 sa mga ito ay humahawak ng reversed transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test, habang 23 ang may GeneXpert testing.
Batay sa tala ng Health department, umabot na sa higit 1.3-milyong tests ang nagawa ng mga laboratoryo sa bansa.
As of July 25, nasa 110,910 sa mga tests na ginawa ang nag-resultang positive. Katumbas nito ang positivity rate ng estado na 8.92-percent.
Ang kapasidad na kaya namang gawin ng mga laboratoryo sa loob ng isang araw ay nasa higit 26,000 tests na.
Sa ngayon may 91 labs pa ang sumasailalim sa proseso ng accreditation.