-- Advertisements --
Mataas na bilang pa rin ng confirmed COVID-19 cases ang naitala ngayong araw, batay sa pinakabagong case bulletin ng Department of Health (DOH).
Nasa halos 6,000 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa bansa bunsod ng 218 na nadagdag ngayong araw. Ang total sa ngayon ay 5,878 na.
Sa kabila nito, patuloy ding dumadami ang gumagaling mula sa sakit.
100 ang pagitan ngayon sa bilang ng total recoveries at deaths.
Ang mga gumaling ay 487 na bunsod ng 52 na recovery, habang 387 ang death toll dahil sa 25 na naitalang namatay.
Sa mga healthcare workers naman, 766 na raw ang confirmed case. Ang bilang na ito ay binubuo ng 339 na doktor at 342 na nurse.
Nasa 22 namang healthcare worker ang namatay.