-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 26 na bagong kaso ng COVID-19 mula sa mga health care workers na naga-assist sa mga pasyente ng sakit.

Batay sa data ng DOH, pumalo na sa 2,420 ang kabuuang bilang ng health care workers na nag-positibo sa pandemic virus.

Mula sa naturang total, pinakarami ang nurse na nasa 879; ang mga doktor naman ay nasa 682; habang 148 ang nursing assistants.

May 89 ding medical technologists, 45 na radiologic technologists, at 304 na non-medical staff.

Sa kabila nito, nanindigan ang DOH na patuloy ang pagbaba ng mga bagong COVID-19 cases sa health care workers.

Samantala, ang recoveries naman sa naturang sektor ay 1,163. Nananatili namang 31 ang patay.

Ayon sa health expert at technical officer ng World Health Organization – Western Pacific Regional Office na si Dr. Takeshi Nishijima mahalagang matutunan din ng frontliners ang tamang paghuhubad na gamit nilang personal protective equipment (PPE).

Mataas din daw kasi ang risk na kumalat ang sakit kung hindi wasto ang paghuhubad at disposal ng mga PPE.