Welcome sa Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG ang magiging kumpirmasyon ni dating Senador Ralph Recto bilang kalihim ng Department of Finance (DOF)
Nakatakda kasi bukas, Marso 13 sa Senado ang deliberasyon ng kumpirmasyon ng kalihim.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, panahon na para pangasiwaan ang ahensya nang may malalim na pang-unawa sa sektor ng agrikultura.
Naniniwala si So na papanig si Secretary Rect0 para sa kapakanan ng mga magsasaka sa bansa.
Samantala, iginiit ni So na si Recto ang naglantad ng pangmatagalang problema ng agricultural smuggling at iba pang ipinagbabawal na kalakalan na lubhang nakaapekto sa pag-unlad ng sektor.
Isa rin aniya ang kalihim sa mga susi ng pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Tiwala ang SINAG sa pamamagitan ng pamumuno ng kalihim ng DOF ay mapabababa ang taripa sa agricultural commodities.
Magugunitang una nang nagpahayag ang mga senador ng tiwala nang maitalaga si Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance.