-- Advertisements --

Magsusulong ang Department of Finance (DOF) ng ilang mga program para matulungang mabayaran ng gobyerno ang lumolubong utang nito.

Sa nasabing kaparaanan ay makakalikom ang gobyerno ng hanggang P349.4 bilyon na bagong kita mula 2023 hanggang 2027.

Ilan sa mga hakbang ay ang planong pagtaas ng buwis, pagpigil sa pagbabawas sa personal income tax at pagpapalawig sa sakop ng Value-Added Tax (VAT).

Sinabi ni DOF Secretary Carlos Dominguez na kasama rito ang carbon tax kung saan bubuwisan ang mga motorsiklo, single-use plastics at cryptocurrencies.

Umaasa ito na sa ganitong paraan ay matatanggal na ang P3.2 trillon na utang ng bansa dulot ng COVID-19 pandemic.