-- Advertisements --
Maglalabas sa mga susunod na araw ang Department of Finance (DOF) na nag-aatas sa mga Local Government Unit na hindi nila puwedeng singilin ng buwis ang mga indibidwal na nagtatrabaho sa kanilang bahay.
Sinabi ni Finance Undersecretary Antonette Tionko, na kaya sila maglalabas ng nasabing kautusan dahil nalaman nila na mayroong ilang kumpanya ang naniningil ng buwis kahit na ang kanilang empleyado ay nasa work from home set up.
Paliwanag nito na ang kumpanya na gumagawa ng trabaho at negosyo ang dapat buwisan at hindi ang indibidwal na nasa kaniyang bahay.
Sa mga susunod aniya na araw ay maglalabas na sila ng panuntunan sa nasabing usapin.