-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na seryoso ang gobyerno ni Pangulong Ferdiand Marcos na mapababa sa 3% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa loob ng anim na taon.
Sinabi ng kalihim na mula sa pagka-upo sa puwesto ni Pres. Marcos Jr ay nakatutok ang kaniyang economic team na mapalago ang ekonomiya.
Kabilang na dito ang pagkakaroon ng pagpupulong nila at ang panghihikayat ng mas maraming investors.
Kasama rin ang pagpapanatili ng infrastructure expenses ng hanggang 5 percent.