-- Advertisements --

Ikinalugod ng Department of Finance (DOF) ang resulta ng pinakahuling labor force survey kung saan naitala ang pinakamababang bilang ng mga walang trabaho sa buwan ng Mayo.

Base kasi sa datos ng Philippine Statistics Office na mayroong pagbaba ng 4.3 percent ang walang trabaho nitong Mayo kumpara sa 6% na naitala noong Mayo.

Ayon pa sa DOF na ang nasabing datos ay siyang hangad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na makamit ang high-quality labor market sa bansa.

Sa nasabing datos rin ng PSA na tumaas sa 95.7 percent ang employment rate na mas mataas ng 94 percent noong buwan ng Abril.

Katumbas ito ng 48.26 milyon na mga Pilipino ang may trabaho noong Mayo kumpara sa 46.08 milyon lamang noong Mayo 2022.

Ito na ang pangalawa sa pinakamababang unemployment rate mula Abril 2005.