-- Advertisements --
Magkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya ang panukalang pagpapatupad ng value-added tax (VAT) refund scheme sa mga dayuhang turista sa bansa.
Sinaib ni Department of Finance (DOF) Domestic Finance Group Director Rowena Sta. Clara na maaring mawalan ng P4.1 bilyon na kita ang bansa kapag ito ay naging epektibo.
Itinuturo dito ang apparel at general merchandise share na mga binibili ng mga turista.
Paliwanag naman ni Senator Sherwin Gatchalian na mababawi rin ang nasabing pagkalugi dahil ang VAT refund scheme ay layon na makaakit ng mas maraming mga turista sa bansa.
Magbibigay din aniya ito ng nasa 40,000 na bagong trabaho sa larangan ng turismo sa bansa.