Tinawag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na good news ang inaasahan nilang pagsisimula muli na pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng taong kasalukuyan.
Ayon sa kalihim, ang kanilang positibong pananaw ay dahil sa gagawin pang mass vaccination program at ang pagbaba naman ng mga COVID-19 cases sa bansa.
Inihalimbawa pa ng kalihim na ang nakitang second wave ng infections na nagsimula noong huling bahagi ng Marso ay pababa na ang bilang.
Sinabi pa ni Dominguez sa isang business forum, kung matutuloy ang ipinangako ng mga overseas manufacturers posibleng ang gobyerno ay makatipon na ng COVID-19 vaccines na maaring makapagbakuna sa 70 million adults at maging sa 15 million teenagers.
Iniulat din naman ng opisyal na ngayon pa lamang ay nasa proseso na rin sila ng negosasyon para naman sa tinatawag na booster shots ng bakuna na ituturok naman sa susunod na taon.