Tiniyak ng Department of Energy (DOE) sa publiko na walang “red alert” na babala sa supply ng kuryente sa bansa sa buong taon.
Sinabi ni Energy Undersecretary Rowena Guevara na “yellow alerts” lamang ang inaasahang itataas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Aniya, inataas ang red alert kapag walang sapat na suplay ng kuryente, na maaaring humantong sa pagkawala ng kuryente.
Ang yellow alert, sa kabilang banda, ay nangangahulugan ng manipis na reserba ng kuryente na maaaring hindi humantong sa rotational brownouts.
Sinabi ng opisyal na inaasahan nilang aabot sa 13,125 megawatts ang power demand ngayong taon sa Luzon pa lamang.
Walang ding magiging yellow o red alerts sa Visayas sa daytime kahit na nangangailangan ang island group ng hanggang 2,690 megawatts ng power supply.
Sa Mindanao, ang peak demand ay maaaring umabot sa 2,395 megawatts, ngunit walang yellow o red alert na itataas kahit na sa panahon ng summer season.
Una na rito, handa ang mga backup ng Department of Energy kung sakaling makaranas ng sapilitang pagkawala ng mga kuryente sa iba’t ibang lugar sa loob ng bansa.