-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si incoming Department of Energy (DOE) Secrertary Raphael Perpetuo “Popo” Lotilla.

Ayon sa DOE, nitong nakalipas na Sabado ng malaman ang pagpositibo ng kalihim.

Agad na itong naka-isolate at patuloy aniya ang pag-update niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa kaniyang kalagayan.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ang DOE kung paano nahawa ang kalihim sa nasabing virus.

Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay nagpositibo sa COVID-19 ang pangulo ganon ang ilang miyembro ng gabinete nito gaya nina Department of Justice Jesus Crispin Remula at Migrant Workers Secretary Toots Ople.