-- Advertisements --
image 496

Kasunod ng ulat na pagpapatuloy ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo hanggang sa buwan ng Disyembre, pinaghahanda na ng Department of Energy (DOE) ang publiko.

Ayon sa DOE, maaaring mangyari ito, at tiyak na malaki ang magiging epekto sa ibat ibang sektor, lalo na sa kabuhayan ng publiko.

Ayon sa DOE, kailangang ngayon pa lamang ay maghanda na ang ibat ibang sektor, ukol sa posibleng epekto nito.

Una nang sinabi ng DOE na ang posibilidad ng pagtaas sa presyo ng petrolyo hanggang sa Disyembre, ay dahil na rin sa tuloy tuloy na pagtaas ng demand sa ibang mga bansa, kasama na ang pagbaba ng produksyon.

Kaninang 6AM nang ganap na ipatupad ng mga petroleum companies ang malakihang dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Batay sa abiso ng mga petroleum companies, pinakamababa ang P2.00 kada litro na itinaas sa tatlong pangunahing fuel na binibili sa bansa.