-- Advertisements --

Plano ng Department of Energy (DOE) na bigyan ang mga power plants ng mga matagal na panahon para magsagawa ng maintenance works para maiwasan ang anumang kawalan ng suplay.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, na sa ganitong paraan ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga maintenance crew ng mga planta na tiginan at ayusin ang nararapat na ayusin sa kanilang mga planta.

Mahalaga aniya na magkaroon ng preventive maintenance para maiwasan ang anumang matinding pagkasira pagdating ng mga panahon.

Inihalimbawa nito ang ilang bansa gaya sa Japan na nabibigyan ng mas mahabang panahon ang mga ito na magsagwa ng maintenance shutdown para na rin sa ikakabuti ng mga planta.