Hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga Pilipino na makiisa sa taunang Earth Hour sa pamamagitan ng pag-turn off sa mga ilaw sa loob ng 1 oras ngayong weekend.
Ayon sa ahensiya, ang Earth Hour ngayong taon ay oobserbahan sa gabi ng Sabado, Marso 23 mula alas-8:30 ng gabi hanggang alas9:30 ng gabi.
Sinabi din ng DOE na binibigyang diin ng tema ng Earth hour ngayong taon na “Switch Off Plastic Pollution, Give an Hour for Earth” ang kahalagahan ng pagsasagawa ng aksiyon laban sa climate chnage at pagtaguyod ng sustainable living practices.
Ayon kay Energy Sec. Raphael Lotilla, makakagawa ng pagbabago ang pagkonserba ng kuryente sa pamamagitan ng pagpatay ng mga ilaw, pag-unplug ng electronic devices kapag hindi ginagamit at carpooling sa energy consumption at carbon footprint.
Nagsimula nga ang taunang symbolic na Earth hour sa Sydney noong 2007 at simula noon ay inobserbahan na rin ito sa iba pang mga bansa kabilang na ang PH.