-- Advertisements --

Simula ngayong araw, July 23, pansamantalang isasara sa mga empleyado ng Department of Energy (DOE) ang ikaapat na palapag ng Building 5 ng Philippine National Oil Company (PNOC) para sa isailalim sa disinfection activity.

Batay sa inilabas na advisory ng kagawaran, nakasaad na scheduled ang gagawing aktibidad na magtatagal hanggang Linggo, July 26.

“In this regard, please be advised that all concerned offices (i.e. Office of the Secretary and some executive offices) will be operating under work from home set-up during said period, and will continue to address your concerns virtually.”

Una nang isinailalim sa minimum skeleton workforce ang operasyon ng PNOC Building 5, kasunod nang ipinatupad na lockdown sa DOE compound sa Taguig City noong July 7.

Ayon sa Energy department, bahagi rin ito ng kanilang Public Service Continuity Plan, na layuning masiguro ang kaligtasan ng mga personnel at stakeholders habang tinutugunan ang mga pangangailangan sa gitna ng pandemic.

“Under the PSCP, public access to the agency’s facilities are extremely restricted.”

Sa huling advisory na inilabas ng DOE noong July 7, tatlong empleyado ng kagawaran ang nag-positibo sa COVID-19. May ilang staff na rin daw ang pinag-quarantine.

“Rest assured that our personnel are receiving much neede medical attention. Intensive contact tracing is also being conducted at the moment.”