Screenshot 2019 06 24 14 11 00
-- Advertisements --

Umapela ng pagkakaisa at pagtutulungan mula sa stakeholders ng public health ang grupo ng mga doktor sa Cebu sa gitna ng hinaharap ng sitwasyon ng lalawigan, lalo na ng Cebu City, bilang isa sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa isang statement, ipinaabot ng Cebu Medical Society Inc. ang pagkabahala na bunsod ng mas paspasan nang trabaho ng health care workers sa lalawigan, sa kabila ng purgado na nilang health system.

“We also clamor for real-time accuracy and transaparency of data reporting to the public.”

“We appeal to our vanguards of legislature to formulate statutes that protect and support distressed healthcare workers and hospitals rather than antagonize their noble efforts in curbing this pandemic.”

Iginiit ng grupo na pinapatay ng maluwag na quarantine status ang virus ng COVID-19, kaya dapat umanong sundin pa rin ng mga Cebuano at public officials ang payo ng national government.

-- Advertisement --

“We acknowledge the existence of other infectious diseases but in our lifetime it is only COVID-19 that has wreaked havoc and brought the entire world to its knees and divested us of a sense of normalcy.”

Maintindihan daw sana publiko ang sakripisyong inilalaan ng kanilang hanay sa gitna ng puno na at kulang sa medical equipment na mga pasilidad.

“We too are humans and we beseech that you will value our lives also.”

Sa isang statement din nitong araw, inamin ng Department of Health (DOH) – Region 7 na matagal nang may kakulangan sa health capacity ng rehiyon.

Nilinaw naman ni Cebu City Mayor Edgardo Labella, na ang mataas na bilang ng mga bagong kaso ay bunga ng pinalakas nilang testing sa COVID-19.

Sa tala ng DOH, 2,860 ang total ng COVID-19 cases sa Cebu City. Labis na mataas ito kumpara sa Lapu-Lapu City na may 162 at Mandaue City na may 253.