Dinukot ng apat na armadong kalalakihan ang isang doctor sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni WestMincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana, kinilala ang biktima na si Dr. Daniel G. Moreno.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 7:00 p.m. nitong Martes habang nasa Sta. Nina Rasul Complex ang biktima ay dinukot ito ng mga suspek na lulan ng kulay maroon na Tamaraw FX.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga otoridad sa kinaroroonan ng mga suspek.