Pinapatutukan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro Jr ang tuluyan nang pagkakabuwag ng mga pribadong armadong grupo.
Binigyang diin ng kalihim ang naturang kautusan kasabay ng pangakong pagsuporta sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAG).
Ayon sa kalihim, kailangang matutukan ang mga armadong grupo sa bansa na bahagi ng pangunahing rason ng mga kaguluhan sa bansa.
Maliban sa mga pribadong armadong grupo, pinapatutukan din ng kalihim ang mga grupong ilegal na gumagawa ng mga baril sa bansa.
Ayon sa kalihim, nakahanda rin ang DND na ibigay ang suporta sa kampanya ng National Task Force para sa pagbuwag sa mga naturang grupo.
Patuloy ding hinihikayat ng kalihim ang publiko na ireport sa mga otoridad ang mga nakikita o namomonitor na grupo, upang magawan ng kaukulang aksyon.