Pinayuhan ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang mga mangingisdang Pilipino na huwag maglayag ng mag-isa sa may Scarborouh shoal sa West PH Sea.
Ginawa ng kalihim ang naturang abiso matapos na idulog ng mga mangingisada na itinaboy sila ng China Coast Guard personnel habang sila ay kumukuha ng seashells sa lugar.
Ayon kay Sec. Teodoro, walang presensiya ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) personnel sa nasabing karagatan kayat mas ligtas aniya na magtungo doon ng grupo.
Saad pa ng DND chief na maaaring makahuli ang mga average na maliliit na fishing vessels sa lugar ng hanggang 15 tonelada ng isda.
Samantala, kinondena din ng opisyal ang kamakailangang panggigipit ng China Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa may Scarborough shoal.