-- Advertisements --

Hindi nagpahuli si dating United States President Barack Obama na patutsadahan si President Donald Trump dahil sa di-umano’y walang humpay na pagbabanta nito na sirain ang demokrasya ng Estados Unidos.

Sa ikatlong araw ng Democratic National Convention, inilarawan ni Obama sa mamamayan ng Amerika ang hindi pagiging seryoso ni Trump sa kaniyang sinumpaang tungkulin.

“This administration has shown it will tear our democracy down if that’s what it takes to win,” wika ni Obama na nasa National Constitution Center sa Philadelphia.

Tulad ni former Secretary of State Hillary Clinton, umasa rin umano ang dating presidente na kahit papaano ay magpapakita ng katiting na interes si Trump sa mga isyung hinaharap ng bansa subalit wala rin daw itong napala.

“I did hope, for the sake of our country, that Donald Trump might show some interest in taking the job seriously; that he might come to feel the weight of the office and discover some reverence for the democracy that had been placed in his care,” pahayag ng dating presidente.

Hindi rin daw naging patas si Trump noong hindi nito alalahanin ang legasiya na iniwan ni Representative John Lewis na pumanaw noong nakaraang buwan dahil sa pancreatic cancer.

Ginagamit lang umano ni Trump ang kaniyang katungkulan para magsilbing reality show kung saan alam niyang dahil dito ay hahakot siya ng atensyon na matagal na niyang inaasam.