-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ni United States presidential hopeful Joe Biden kay former US President Barack Obama sa naging suporta nito para sa kaniyang pagtakbo sa pagka-presidente sa gaganaping presidential election sa Nobyembre.

Sa talumpati ni Biden para sa huling araw ng Democratic National Convention, isang malaking karangalan umano para rito na naging katuwang niya si Obama upang pagsilbihan ang Amerika sa loob ng walong taon bilang bise-presidente.

“I am a proud Democrat and I will be proud to carry the banner of our party into the general election. So, it is with great honor and humility that I accept this nomination for President of the United States of America,” saad ni Biden. “But while I will be a Democratic candidate, I will be an American president. I will work as hard for those who didn’t support me as I will for those who did.”

Ayon pa kay Biden, si Obama rin ang isa sa pinakamagaling na naging presidente ng US at dapat itong gawing modelo ng mga kabataan. Wala raw kasing ibang ginawa si Trump kundi isentro lamang sa sarili nito ang pagiging pangulo ng bansa kasabay ng pagbalewala nito sa pangangailangan ng kaniyang mamamayan.

Hindi rin pinalagpas ni Biden na batikusin ang umano’y palpak na coronavirus response ng Trump administration. Batid umano nito ang isang bagay na tila hindi matanggap ng Republican president, ito ay ang katotohanan na hindi na muling maibabalik pa ang ekonomiya ng bansa.

Hanggang ngayon din aniya ay walang konkretong plano ang kasalukuyang administrasyon para kontrolin ang krisis.

“Here and now, I give you my word: If you entrust me with the presidency, I will draw on the best of us, not the worst. I will be an ally of the light, not of the darkness,” dagdag pa nito. “It’s time for us, for we the people, to come together.”