Wala pang natatanggap ang Department of Migrant Workers (DMW) na kautusan mula sa pamahalaan ng bansang Kuwait ukol sa usapin ng pagsuspendi ng pagbibigay ng VISA sa mga Filipino.
Kasunod ito sa paglabas ni Kuwaiti Deputy Prime Minister at Interior Minister Talaal Al Khalid ng circular na pagpigil ng pagbibigay ng mga visa sa mga manggagawang Pinoy dahil sa bigo umano ang Pilipinas na tumupad sa nilagdaan nilang labor agreement.
Magugunitang nagkaroon ng piramahan ng labor agreement ng dalawang bansa noong 2018 sa pamumuno noon ni dating Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano.
Ikinagalit kasi ng Kuwait ang hindi otorisadong pag-sagip ng DFA sa inabusong OFW sa Kuwait.
Ipinagutos din noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa Kuwait dahil sa hindi paggalang sa mga manggagawang Pinoy.