-- Advertisements --
image 400

Tiniyak ng Department of Migrant Workers na makakatanggap ng tulong mula sa pamahaalaan ang mga kababayan nating overseas Filipino workers na na-repatriate mula sa Israel.

Ayon kay DMW officer-in-charge undersecretary Hans Cacdac, handa ang kanilang ahensya na ipaabot ang mga kinakailangang tulong at suporta para sa mga OFW na nagpasyang bumalik sa ating bansa nang dahil sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Israeli Defense Forces, at militanteng grupong Hamas.

Kaugnay nito ay makakatanggap ng tig-Php50,000 mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration, ang mga na-repatriate na mga OFW, habang bibigyan din sila ng skills training at financial assistance mula sa Technical Education And Skills Development Authority.

Bukod dito ay isasailalim din sila sa physical at mental examination ng Department of Health at Department of Social Welfare and Development.

Habang bibigyan din ng tulong pinansyal ang mga anak ng naturang mga OFW.

Kung maaalala, kaninang umaga ay dumating na sa bansa ang ikalawang batch ng 18 OFW na mula sa Israel.