Nanatiling ligtas at nasa maayos ang kalagayan ng mga overseas Filipino workers sa Taiwan, Macau, Israel at South Korea.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople na humupa na ang tensiyon sa Taiwan ng tapusin na ng China ang kanilang military drill.
Mahigpit din ang bilin nito sa mga tatlong labor attaches nito na i-monitor palagi ang mga kalagayan ng mga OFW sa Taiwan.
Bumalik na rin sa kanilang trabaho ang karamihang OFW sa Macau matapos tamaan sila ng COVID-19 ng mahigit dalawang linggo.
Habang ligtas naman ang nasa 200 Filipino caregivers sa Ashkelon, Ashdod, Sderot, at mga karatig lugar ng Gaza matapos ang missile attack ng Israel.
Ganun ang mga nasa Seoul, South Korea kung saan nakaranas ng malawakang pagbaha doon.