-- Advertisements --

Magtutungo sa Saudi Arabia si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac.

Ito ay para i-follow up ang hindi pa nakukuhang sahod ng mga manggagawang Pinoy na pinauwi matapos na magsara ang kumpanyang pinagtatrabahuhan.

Dagdag pa ng kalihim na kaniyang makikipagpulong sa mga opisyal ng Saudi para malaman ang kalagayan ng nasabing tatanggapin na sahod ng mga Oversease Filipino workers.

Una rito ay tiniyak ng opisyal ng Saudi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ng makapulong nila ito na kanilang agad na aayusin ang mg babayarin sa mga manggangawang Pinoy.