-- Advertisements --

Ginagawan na umano ng paraan ng Department of Migrant Workers (DMW) para mas mapadali ang pag-isyu ng overseas employment certificate (OEC) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay kasunod na rin ng panawagan ng mga OFW para mas mapabilis ang pagproseso ng kanilang deployment sa ibang bansa.

Ang OEC ay isang dokumento na nagsisilbing exit clearance na inisyu sa mga OFW at nagsesertipika sa regularidad ng kanilang recruitment.

Ito din ang nagtitiyak para sa proteksyon ng mga OFW.

Paliwanag ni OWWA Administrator Arnell Ignacio, nasa panngangasiwa na ngayon ng DMW ang pagproseso ng OEC na dati ay nasa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Samantala, iniulat naman ng bagong talagang OWWA administrator na nagpositibo ito sa COVID-19 at kasalukuyang sumasailalim sa isolation sa ikaapat na araw.

Nitong Miyerkules ng ianunsiyo ng MalacaƱang ang pagtalaga ni Pangulong Bongbong Marcos kay Igacio bilang bagong OWWA chief.