-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas Filipino workers na nasa Japan na tumawag sa kanilang hotline kung sakaling kailangan nila ng tulong.

Kasunod ito sa pagtama ng magnitude 7.6 na lindol sa west coast ng bansa.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na ang mga OFW na nasa Japan ay maaaring tawagan ang mga sumusunod na hotline: DMW-OWWA Japan Help Desk 1348 (abroad +6321348); DMW-MWO-OWWA Osaka hotline numbers +817022756082 at +817024474016.

Nagpaabot din ang opisyal ng pagdarasal para sa magandang kalagayan ng mga mamamayan doon.

Magugunitang dahil sa pagtama ng malakas na lindol ay nagtaas ang Japan Meteorological Agency ng tsunami warnings sa mga coastal prefrectures ng Ishikawa, Niigata at Toyoma.