-- Advertisements --

Nakikiisa ang Department of Migrant Workers sa International Transport Workers’ Federation (ITF) na panawagan para sa kaligtasan ng mga marino na naglalayag sa Red Sea – Gulf of Aden.

Ayon kay DMW OIC Hans Leo Cacdac, kasunod ito ng kamakailang pag-atake ng drone, missile, at rocket sa mga sasakyang pandagat na tumatawid sa pangunahing ruta.

Ang Red Sea – Gulf of Aden shipping corridor ay isang mahalagang shipping artery para sa pandaigdigang kalakalan, transportasyon ng langis, gas at iba pang mahahalagang kalakal sa pagitan ng Europe, Asia, at Africa.

Kamakailan, ang mga barkong dumadaan sa mahalagang shipping corridor ay sumailalim sa tumitinding at rocket attacks.

Sa isang pahayag, sinabi ng Kalihim ng International Transport Workers’ Federation na si Stephen Cotton na ang pangunahing alalahanin ay ang kaligtasan ng mga marino sa nasabing karagatan.

Ang parehong pahayag ng ITF ay binanggit na ang mga pandaigdigang shipping companies ay nagkaroon ng rerouting ng kanilang mga barko sa Cape of Good Hope sa dulo ng Africa.

Ang rerouting ay nagdaragdag ng isa pang 3,000 nautical miles sa mga normal na ruta ng kanilang mga sasakyang-dagat.

Ang pinahabang ruta at mga inspection ay mayroon ding epekto sa logistic sa mga produkto, serbisyo, at shipping schedule.