-- Advertisements --
Maglulunsad ang Department of Migrant Workers (DMW) ng kauna-unahang Seafarers Jobs Fair.
Isagawa aniya ito sa darating na Hunyo 28 sa kanilang opisina sa Mandaluyong City.
Ang nasabing okasyon ay kasabay ng Day of Seafarers.
Layon nito ang mabigyan ng tsansa ang mga nais na magtrabaho sa ibang bansa bilang marino.
Pinaalalahanan ng DMW ang mga nais mag-apply na magdala ng resume, kopya ng pasaporte, ballpen, facemask at alcohol.
Hinihikayat rin ng ahensya ang pagsusuot ng angkop na kasuotan sa mismong araw ng job fair.