-- Advertisements --
ofw dmw

Lumikha ng task force ang DMW laban sa investment scams sa pag-asang masugpo ang tumataas na kaso ng pandaraya sa bansa.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na ang task force ay dumating matapos ilabas ni Senator Raffy Tulfo, na namumuno sa Senate migrant workers committee, ang mungkahi na protektahan ang mga overseas Filipino workers.

Ito ay aniya para magbigay ng impormasyon sa mga manggagawa kung paano sila makakaiwas sa investment scams.

Idinagdag ni Cacdac na mayroon silang nakaplanong partnership sa Securities and Exchange Commission (SEC) at Department of Justice para palakasin ang pagsisikap sa pagtugon sa mga talamak na investment scam.

Kaugnay niyan, nakatakdang pumirma ang DMW ng memorandum of agreement sa Securities and Exchange Commission sa Okt. 11.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na magsampa ng mga reklamo sa investment scam sa pamamagitan ng kanilang shared hotline number 1348.