Todo paliwanag si world No. 1 Novak Djokovic kaugnay sa pag-atras sa Rogers Cup na magsisimula na sa susunod na buwan.
Sa kanyang pahayag, sinabi ng Serbian superstar na kailangan muna nitong magpahinga lalo pa’t kagagaling lamang nito sa kanyang Wimbledon campaign.
Kung maaalala, si Djokovic ang nagkampeon sa nakalipas na Wimbledon na kanyang ika-16 Grand Slam title.
Naging four-time champion na rin si Djokovic sa Rogers Cup kung saan nagwagi ito noong 2007 at 2011.
“I’m sorry to announce that I decided to pull out of Rogers Cup,” wika ni Djokovic. “With the support of my team, I have decided to give my body longer rest and recovery time before coming back again to play. I love Canada and I have many friends there that always make me feel like I’m at home and I’m looking forward to coming back again to play in front of all of you in Montreal.”
Dahil dito, si Rafael Nadal ang magiging top seed sa nasabing torneyo na magbubukas sa Agosto 3 (Manila time) sa IGA Stadium.