-- Advertisements --

Pasok na finals ng French Open si Novak Djokovic matapos na tamaan ng injury si Carlos Alcaraz sa kanilang kauna-unahang grand slam meeting.

Sumuko na ang Spain tennis player sa ikatlong set sa score na 1-1 dahil sa hindi na nito makaya ang leg injury.

Dahil dito ay nagwagi ang Serbian tennis player na si Djokovic sa 6-3 5-7 6-1 6-1 sa laro na umabot ng tatlong oras.

Sa unang set ng laro ay naging matindi ang palitan ng puntos ng dalawa subalit sa kasmaang palad ay tinamaan ng injury ang 20-anyos na si Alcaraz.

Makailang beses pa itong nag-medical break subalit hindi na nito nakayanan ang sakit na halos hindi na siya makagalaw.

Susunod na makakaharap ni Djokovic ang sinumang manalo sa pagitan nina Casper Ruud o Alexander Zverev.