-- Advertisements --

Binalewala lamang ni Serbian tennis star Novak Djokovic ang mga kantiyaw ng mga audience habang ito ay nasa ikalawang round ng Australian Open.

Hindi naging balakid sa Serbian tennis star ang home court advantage ng katunggali nito na si Alexei Popyrin matapos na talunin niya ito sa score na 6-3, 4-6, 7-6 (7/4), 6-3 sa loob ng mahigit na tatlong oras na laro.

Inamin nito na bahagyang nawalan siya ng focus sa ikaapat na round ng kumprontahin ang ilang mga audience.

Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round ng torneo si Tomas Martin Etcheverry ng Argentina.

Target ng Serbian tennis star na makamit ang ika-11 na Australian Open title ngayon taon.