-- Advertisements --
Nagkampeon muli sa Wimbledon si world’s number one Novak Djokovic.
Ito ay matapos na talunin niya si Matteo Berrettini sa score na 6-7(4), 6-4, 6-4, 6-3.
Sa simula pa lamang ng laro ay talagang ipinakita ng Serbian player ang kaniyang galing kung saan lumamang kaagad ito.
Nagawa pang makahabol ni Berrettini subalit hindi na hinayaan pa ng Serbian tennis star.
Ito na ang pang-20th Grand Slam title ni Djokovic.
Napantayan na niya na mayroong parehas na 20 Grand Slam title sina Swiss tennis star Roger Federer at Spanish player Rafael Nadal.
Nauna ng nagkampeon ang 34-anyos na si Djokovic sa Australian Open at French Open ngayong taon.