-- Advertisements --

Minultahan ng $8,000 si Serbian tennis star Novak Djokovic dahil sa paghataw ng raketa nito sa poste ng net sa finals ng Wimbledon.

Naganap ang insidente sa ikalimang set ng talunin siya ni Carlos Alcaraz ng Spain.

Nagalit ang 36-anyos na si Djokovic ng pumalpak ang kaniyang service.

Ang nasabing multa ay ibabawas sa kaniyang napanalunan ng cheke na nagkakahalaga ng mahigit na $1.5 milyon.