PARIS, France – Tinalo ni Novak Djokovic si Grigor Dimitrov sa kanilang laro nitong araw.

Sa kanilang laro ngayong araw, iginupo ni Djokovic si Dimitrov sa score na 7-6 (7/5), 6-4.

Kasunod ng kanyang pagkakapanalo sigurado na ngayon na makakaharap ni Djokovic ang Canadian youngster na si Denis Shapovalov sa Paris Masters final.

Ito ay matapos namang umatras si Rafael Nadal sa naturang torneyo matapos magtamo ng abdominal injury.