-- Advertisements --

Balik sa pagiging numero 1 ang ranking ni Novak Djokovic matapos na magkampeon ito sa French Open.

Sa pinakahuling listahan ng Association of Tennis Professionals (ATP) na umangat na sa unang puwesto ang Serbian tennis star habang ang bumaba naman ang ranking ni Rafael Nadal.

Mula sa dating number 3 ay umangat sa unang puwesto ang ranking ng 36-anyos na si Djokovic.

Pinalitan niya sa puwesto bilang world number 1 si Carlos Alcaraz ng Spain na nasa pangalawang puwesto na.

Nasa pangatlong puwesto naman si Daniil Medvedev habang pang-apat na puwesto ang tinalo sa finals ni Djokovic na si Casper Ruud.

Bumagsak sa number 14 ang puwesto ni Nadal na hindi nakapaglaro sa French Open dahil sa injury.