Umalma si testing czar Sec. Vince Dizon sa artikulo ng isang pahayagan sa Singapore na nagsabing Pilipinas ang posibleng susunod na epicenter ng COVID-19 sa Southeast Asia.
Ayon kay Dizon, hilaw at walang basehan ang artikulo para pangalanan ang estado bilang bagong sentro ng malawakang pagkalat ng sakit sa rehiyon.
“Speculative ‘yun pero ang masasabi ko, dumami na ang testing natin,” ani Dizon sa isang press briefing.
Sa halip, binigyang diin ng Bases Conversation and Development Authority president na lumawak na ang testing ng Pilipinas sa COVID-19. Katunayan, tayo na raw ang may pinakamataas na daily testing output sa Timog-Silangang Asya.
“Tayo na ang pinakamataas sa Southeast Asia sa testing per day. Nasa halos 1.7 million na ang nate-test natin sa buong bansa. Mahigit 1 million diyan ay nasa NCR (National Capital Region) lamang at tuluy-tuloy nating gagawin ito,” ayon sa opisyal.
Lumabas sa artikulo ng Singapore-based news agency na The Strait Times na Pilipinas ang posibleng susunod na COVID-19 epicenter ng rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit sa bansa.
Sa huling tala ng John Hopkins University of Medicine sa Amerika, umabot na sa higit 54,000 ang COVID-19 cases sa Singapore.
Ang Pilipinas, halos 120,000 na ang total ng COVID-19 confirmed cases as of August 6.