Patuloy ang pagdagsa ngayon ng mga mamimili sa Divisoria, 2 linggo bago ang pasko.
Karamihan ay naghahabol na makabili ng mga murang pangregalo at palamuti.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Christian Abila, isang tindero sa Divisoria, aniya malakas ang kita nila ngayong araw kung ikukumpara sa mga nagdaang linggo.
Pero kumpara noong nakaraang taon, mas mababa raw ang kita ngayon dahil na uuso na ang online shopping.
Dala ng takot dahil na rin sa coronavirus disease, simula nang magkapandemya marami na ang umiiwas sa matataong lugar gaya nalamang ng naturang bilihan kung saan kilala ito na isa sa mga dinarayo pa dahil sa mga murang halaga na paninda.
Sa online shopping hindi na makikipagsiksikan ang mga mamimili at maiiwasan na rin ang posibilidad na ma dukotan.
Kaya naman paalala ng pulisya, kung pupunta sa mga matataong lugar, iwasan ang paglalagay ng cellphone sa likod na bulsa at kung maaari ay iwasan na rin ang pagdala ng mga bata na maaari namang mawala dahil sa siksikang tao.