Bigo umanong makasabay ang download speed ng Dito Telecommunity sa Globe at PLDT, ayon sa isang
mobile data analyst.
Sa isang report, sinabi ng Opensignal, isang independent mobile analytics specialist, na ang Dito, ang third telco player ng bansa, ay nahaharap sa limitadong network footprint at nanganganib na lumipat ang mga subscriber nito sa Globe at PLDT, na kapwa agresibo sa pagpapalawak ng kanilang agwat o superiority sa una.
“Globe and PLDT have aggressive network spending plans compared to Dito which needs to divert capital to widen its footprint,” pahayag ng Opensignal.
Ibinunyag ng data analyst na ang download speed ng Dito sa nakalipas na dalawang buwan ay 11 %, 26%, 16% na mas mabagal kumpara sa Globe at PLDT para sa Cebu, Davao at Metro Manila.
“This is even with the benefit of having a small subs base. As users grow, we see network quality gaps as increasing,” dagdag pa ng data analyst.
Dahil sa network quality gap, ang mga quality-focused user ay sinasabing mas pinipili pa rin ang PLDT at Globe kaysa Dito.
Ayon pa sa data analyst, ang sinasabi ng Dito na pagkakaroon ng one million users noong Hunyo at two million noong Agosto ay hindi awtomatikong nagpapakita ng pre-paid revenues.
“Active, paying subscribers may be defined loosely across operators. Subscribers are not symptomatic of revenues in pre-paid markets,” it explained.
Pagbibigay-diin pa ng analyst na “it will take money to compete.”
“The question lies with capital commitment as telcos require material investment to compete. We are not confident that the law which will allow for 40% foreign ownership will be passed given a potential Senate impasse especially with national elections next year. This raises the question if Dito’s 60% owner, Udenna, would more aggressively bankroll an expansion with China Telecom remaining as minority owner. Dito’s current US$5 billion five-year cumulative greenfield capex commitment pales vs. Globe’s/PLDT’s US$1.5-1.8 billion annual capex,” dagdag pa ng data analyst.