-- Advertisements --

Inanunsyo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso na pasisimulan na bukas, ika-14 ng Abril ang distribusyon ng pinansyal na tulong para sa mga lokal na panaderya sa lungsod.

Sa pahayag ng naturang alkalde, kanyang ibinahagi na ilulunsad na ang programa na layon matulungan hindi lamang operasyon ng mga panaderya kundi pati mga mamimili.

Ayon kay Mayor Isko, bibigyan ng tig-25 libong piso ang kada panaderyang kalahok sa programa, bilang tugon na rin sa kinakaharap na krisis sa gasolina.

Sa pamamagitan nito, ipinaliwanag ng opisyal na kapalit sa 25-libong piso natanggap ay hindi muna magtataas ng presyo ang mga panaderya sa kanilang mga itinitindang pangunahing produktong tinapay.

Tulad ng pandesal na siyang kadalasa’y almusal ng mga Pilipino, magkakaroon ng pawang ‘prize freeze’ sa mga mabibiling tinapay sa lungsod.

Ito’y ipapatutupad sa loob ng 30-araw o isang buwan kasunod ng distribusyon sa pinansyal na tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Naniniwala si Mayor Isko Moreno na ang programa sa mga panderya ay maghahatid umano ng dagdag kapanatagan sa publiko, mapamahirap man o mayaman lalo na’t nagpapatuloy pa rin ang krisis na kinakaharap.

Kung kaya’t titiyakin ng lokal na pamahalaan na walang magaganap na paggalaw sa presyo ng mga mabibiling pangunahing tinapay.