Kaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matapos ang pagpapahatid ng emergency cash subsidy sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa loop lamang ng isang linggo.
Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, sinabi ni DSWD Usec. Danilo Pamonag na sa ngayon ay hinihintay pa nilang maisumite ng mga local government units (LGUs) ang pinal na listahan ng mga qualified beneficiaries para sa second tranche ng SAP.
Sinabi ni Pamonag na sa kasalukuyan ay nasa proseso pa lamang sila ng deduplication, kung saan isa-isang sinusuri ang listahan ng SAP beneficiaries para alisin iyong mga nagdoble-doble ang pangalan pati na rin iyong mga nakatangap na ng emerency subsidy mula sa ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DOLE, DTI at SSS.
Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, humigit kumulang 48,000 dublicate beneficiaries na ang kanilang natutukoy sa kasalukuyan.
Sinabi rin nito na nasa 12 million pamilya ang inaasahan na makakatanggap ng second wave ng cash aid sa ilalim ng SAP, pati na rin iyong 5 million waitlisted o “left out” families.
Pero hanggang kahapon, sinabi ni Pamonag na 1.38 million beneficiaries pa lang ang nakakatangagp ng second tranche ng SAP.
Pinuna ito ni Deputy Speaker Lray Villafuerte at iginiit sa DSWD na dapat tiyaking hindi na tumagal pa ang pagpapahatid ng second wave ng cash aid.