-- Advertisements --
Nakauwi na sa bansa ang nasa 170 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait.
Lumapag ang sinakyan nilang Kuwait Airways sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong ala-7 ng umaga.
Pinangunahan ng mga opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagsalubong sa mga umuwing OFW.
Noong nakaraang Martes ay mayroon ng unang batch na 200 na mga OFW ang nakauwi na rin sa Pilipinas.















