-- Advertisements --
Pumanaw na si Antipolo City District 2 Representative Resurreccion Acop dahil sa kumplikasyon dulot ng COVID-19 sa edad 74.
Ang kongresista ay asawa ng retired police general at dating kongressman na si Romeo Acop.
Sinabi ng asawa nito na noong nakaraang buwan ng dapuan ng COVID-19 ang maybahay at doon na nagkaroon ng kumplikasyon.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga nakasama sa trabaho, mga kaibigan ng pumanaw na kongresista.