-- Advertisements --

Binigyang diin ng World Health Organization (WHO) na walang epekto laban sa coronavirus at posibleng magdulot ng panganib ang malawakang pag-spray ng disinfectants sa mga kalsada.

Ayon sa WHO, itinuturing na ineffective o hindi epektibo laban sa pandemic virus ang naturang aktibidad.

Hindi naman daw kasi pugad ng infection ang mga tabing-kalsada, at lalong mas delikado sa kalusugan ng tao ang pag-spray ng disinfectants sa mga ito.

“Spraying or fumigation of outdoor spaces, such as streets or marketplaces, is not recommended to kill the COVID-19 virus or other pathogens because disinfectant is inactivated by dirt and debris,” ayon sa isang WHO document.

“Even in the absence of organic matter, chemical spraying is unlikely to adequately cover all surfaces for the duration of the required contact time needed to inactivate pathogens.”

Ang pag-spray ng chlorine at iba pang toxic chemicals ay posible umanong magdulot ng irritation sa balat at mata ng tao.

May posibleng dulot din daw ito na bronchospasm at gastrointestinal effects.

“This could be physically and psychologically harmful and would not reduce an infected person’s ability to spread the virus through droplets or contact.”

“If disinfectants are to be applied, this should be done with a cloth or wipe that has been soaked in disinfectant.”