-- Advertisements --
NDRRMC

Tiniyak ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na tuloy-tuloy din ang pamamahagi nila ng tulong sa mga apektado pa rin ng bagyong Karding isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Karding.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Asec. Raffy Alejandro sa panayam ng Bombo Radyo na partikular daw na tinututukan nila sa ngayon ay ang pagbibigay ng tulong sa mga nasiraan ng bahay.

Naka-monitor pa rin naman daw ang kanilang mga tauhan sa ground para makita ang pinsalang dulot ng bagyo at para makapagbigay sila ng tulong sa mga nangangailangan.

  • Samantala, sa ngayon ay nasa mahigit 46,000 na katao pa rin daw ang nananatiling displaced isang linggo matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Karding sa Luzon.

Ayon sa NDRRMC, nasa 3,098 sa kabuuang 46,452 katao ang nananatiling displaced at ngayon ay nasa 26 evacuation centers.

Ang iba naman ay nasa ibang lokasyon.

Papalo naman sa 58,172 na kabahayan ang napinsala ng bagyong Karding at 7,150 dito ang totally damaged.

Mahigit isang milyong katao o halos 300,000 na pamilya sa Luzon ang apektado ng bagyo na unang tumama sa Burdeos, Quezon noong Setyembre 25.