-- Advertisements --

Hindi lang ang COVID-19 ang hamon ngayon sa Japan sa pag-host nila ng Olympics.

Ayon kay Hirota Hirose, isang disaster risk expert sa Japan na huwag dapat kalimutan ang banta ng mga malalakas na kalamidad gaya ng lindol at mga bagyo.

Nasa “Pacific Ring of Fire” kasi ang Japan kung saan madalas nakakaranas na paglindol ang nasabing bansa.

Inihalimbawa nito ang naganap na Rugby World Cup 2019 sa Japan kung saan ilang laro ang kinansela dahil sa malalakas na bagyo.

Tiniyak naman ng organizer ng Olympics na pinaghandaan nila ang anumang pananalasa ng kalamidad na dadaan sa kanilang bansa.